Umabot na sa P 1.2 million ang iniaalok na reward o pabuya para madakip ang mga suspek sa pagsabog sa bar exams sa Maynila noong nakalipas na linggo. Tatlong anggulo naman ang tinitignan ng Manila Police District (MPD) bilang posibleng motibo sa pagsabog.
Inianunsyo kanina ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang hindi nagpakilalang indibidwal ang nagbigay ng P1 milyon bilang pabuya para madakip kaagad ang mga sangkot sa pagsabog sa Bar exams sa Taft avenue noong isang linggo kung saan mahigit 40 ang nasugatan.
"Pledge pa lang ito kay Direktor, sana may lumabas na makakatulong siguro ito," ayon kay Boy Zamora na tagapagsalita ng NBI
Una nang naglaan ng P200,000 pabuya ang Utopia fraternity ng Ateneo para sa sinumang makakapagturo sa mga salarin.
Una nang naglaan ng P200,000 pabuya ang Utopia fraternity ng Ateneo para sa sinumang makakapagturo sa mga salarin.
Kanina sa pulong ng Tau Gamma Phi Fraternity, pinag-iisipan na rin nila ang pagbibigay ng reward. Ito na lamang daw ang kanilang sagot sa mga akusasyong sangkot din sila sa pagsabog.
Sa ngayon, katuwang ng MPD ang NBI sa imbestigasyon. Una nang nagsagawa ng post-blast investigation ang NBI noong Huwebes at anumang araw ay ilalabas nito ang 3-dimensional presentation kung saan maaaring matukoy ang kinalalagyan ng taong naghagis ng granada.
Ngunit tumanggi naman ang MPD na tukuyin ang suspek sa pagsabog. Mas mabuti na raw na sa Supreme Court Investigating Panel nila ito ilalahad at may 3 anggulo ang nakikita nilang motibo ng pagsabog.
"Puwedeng frat war, puwedeng sabihin nating may Ampatuang doon, pwede ding may personal conflict. Pero sasabihin ko sa inyo, mayroon tayong tinutuon tayo ngayon, ayaw ko lang mabanggit for now,” ayon kay MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla
Umaasa naman ang MPD na matutulungan sila ng publiko sa pagbibigay ng impormasyon.
Umaasa naman ang MPD na matutulungan sila ng publiko sa pagbibigay ng impormasyon.
Maaari silang tumawag sa MPD Hotline 523 1367 o mag-text sa cell phone number 0918 4072792.
Alex Santos, Patrol ng Pilipino
10/04/2010 10:46 PM
from: ABSCBN News.com/TV Patrol
No comments:
Post a Comment