Tuesday, October 12, 2010

Patrick Dela Rosa kalaboso pa rin

Patrick Dela Rosa kalaboso pa rin

Bantay-sarado ng mga ka-kosa si Patrick Dela Rosa sa Station 7 ng QCPD. Ang aktor na si Dela Rosa ay Provicial Board Member din ng Oriental Mindoro.


Bukod sa tinakpan ng karton ang parte ng selda, nakasampay din ang mga damit ng ka-kosa kaya hirap ang mga taga-media na masilayan ang aktor.

Sinubukan ng ABS-CBN News na mahingan siya ng pahayag sa pamamagitan ng sulat ngunit hindi niya ito sinagot.

Naroroon ang dating asawa ni Dela Rosa na si Khukhu pero tumanggi rin itong humarap sa media. Ikinulong si Dela Rosa sa reklamong panggagahasa noong Biyernes ng umaga.

Base sa reklamo ng 20-anyos na biktimang si “Kat”, natutulog siya nang mangyari ang panggagahasa. Nagawa pa raw niyang sipain at itulak ang aktor at nakasigaw pa ito upang humingi ng saklolo.

Kaya kuha sa CCTV na ibinigay sa ABS-CBN, makikitang hinabol si Dela Rosa ng mga guwardiya at mga kaibigan ng biktima.

Sa pahayag naman ng mga kaibigan ng biktima, nag-inuman sila sa condo unit na pag-aari ng isa sa kanila noong gabi bago maganap ang umanong pangagahasa. Walong lalaki ang naroon kabilang si Dela Rosa.
Una raw nakatulog ang biktima sa kuwarto. Narinig na lang daw nilang sumisigaw ang biktima. Biyernes ng umaga nang saklolohan nila ang kaibigan at nakitang umiiyak habang wala nang pang-ibabang saplot sa katawan si “Kat”.

Tiwala naman ang abugado ng biktima na tatayo ang kanilang kaso, base na rin umano sa resulta ng medico-legal examination.

Base sa rekomendasyon ng Prosecutor’s Office ng Quezon City, isinumite na ng kampo ng biktima ang kanilang mga ebidensya para masampahan ng kasong rape si Dela Rosa. Alex Santos, Patrol ng Pilipino. 

Source:  ABSCBN News/TVPatrol

No comments:

Post a Comment